Crisis na naman ba?

Teka, makapag-blog nga muna ako dito. Ano kasi…lately para talagang nawalan akong ganang mag-blog at kahit magweb design kasi naman mas madalas ng gising ang baby ko kesa tulog. Hindi ko naman sinisisi baby ko. Ang gusto ko lang sabihin e limited na talaga time para magblog at mag design. Dati pwede akong 4 hours staright sa harap ng computer. Ngayon di na pwede kasi madalas naiistorbo ako pag gumigising anak ko. Mababaw kasi matulog baby ko. Ewan ko ba pero sa araw e madalas putol putol tulog niya. Madalas after 20 minutes of tulog e gigising siya. Tipong kaka-umpisa ko palang magwork e stop na naman ako. Kaya madalas ang ginagawa ko nalang e pa-surf surf dahil feeling ko e anytime e gigising siya… So pag wala akong ginagawa or pag nonsense ang ginagawa ko e di ako feeling naistorbo. Pag gising naman siya e syempre lagi ako sa tabi niya although pag mejo distracted siya sa mga toys niya e paminsan minsan sumusulpot ako sa YM or sa FB. Sa gabi naman e ok naman ang tulog niya pero need pa rin niya dumede ng 2 or 3 times. Pwede akong mag-blog at magdesign sa gabi (kagaya ngayon) pero that means haggard na haggard ako bukas. Ayaw ko ng laging ganun. At isa pa, lagi din ako pinagsasabihan ng asawa ko n huwag masyadong magpuyat. So yan ang explanation kung bakit madalang nalang akong magblog.

Haba ng intro ko no?

Anyway, katunayan niyan e hindi about diyan ang gusto kong i-blog. Gusto kong i-blog about sa kung anong nangyayari dito. Ano kasi, nakaka intriga ang mga pangyayari dito. Lagi kasi laman ng news dito about sa napipintong economic crisis. At ito ay hindi kunwakunwari para i-manipulate ang stock exchange ha. Hindi ito media hype. Talagang down ang ilang EU countries ngayon. Malakas pa rin ang exchange rate ng Euro to date pero pag hindi isinalba ng EU countries ang Greece e malamang bumagsak na ang euro weeks ago. A few months ago, na-bankrupt ang Greece. Ang ginawa ng mga EU countries para ma-save ang Greece e nag-contribute sila ng pera. Dami ang may ayaw na magcontribute noon kasi naman sila mismo e malaki rin ang utang sa Europe Central Bank pero in the end e nagcontribute rin silang lahat. Ang siste, sunod-sunod na ang mga naba bankupt–Ireland, Spain, Poturgal, Italy… This time,  di na sila pwede mag con-con ulit kasi ano pang iko-con-con nila kung pare parehas silang walang pera, right? 

(next day na kas inantok na ako kagabi)

So tuloy natin…

Hindi lang sila panay walang pera… Panay din sila baon sa utang. Kahit nga Austria e… Kahit ang yaman ng bansang ito e baon pa rin ito sa utang at lahat sila e hindi alam ang gagawin kung paano nila mababayaran ang mga utang nila kasi ang laki ng interest ng mga utang nila. Nung una hindi ko maintindihan kung bakit need nila mangutang at kung bkit hindi na nila kayang bayaraan ang utang nila e ang yaman nila so nagbasa-basa ako at naintindihan ko na ng konti. Interesante pala itong topic na ito. Hindi ko na try na explain kasi ang dami naman ng explanation sa internet  (ECB, Euro-crash, money bubble, debt bubble, inflation, etc). Super complicated nga at medyo nakakalito din pero basta ang sure e there’re too much debt money ( unreal money, electronic money) in the world na hindi na pwedeng i-balance ang real at unreal money. At pag nag-print naman sila e tataas ang inflation…ibig sabihin e magsisipag-taasan ang presyo ng lahat to the point na hindi na affordable sa karamihan. Sabi ng iba, ire-set ang system. Tipong i-erase ang utang..tutal unreal money naman iyon e..nasa listahan lang, wala naman talagang value kasi panay electronic money lang. Pero syempre tutol ang mga mayayaman, yung mga may pera sa stocks at sa banko, at yung mga investors na bumili ng mga ibat ibang uri ng bonds kasi pag nagre-set e ibig sabihin erase din pera nila. At magugulo syempre ang buong system. 

Sabi ng iba, we’ve reached the point of no return… Kahit anong gawin e babagsak at babagsak ang economy. Re-set or print parehas lang kalalabasan which is: maghihirap ang tao. Poor at rich, nobody will be spared. Ngayon gusto ng mga politiko na magkaroon ng centralized government ang mga EU countries isang government na maggo-govern sa lahat ng EU countries, ibig sabihin igi-give up nila ang rights nila ang kanilang sovereignity. Madaming takot kasi parang yan ang aim noon ng WW2… in a different approach lang.

So ano bang meron at super feeling affected ako sa news na yan…. Meron kasi akong anak na 6 months old palang. Hindi ito ang future na inimagine ko for him. To tell you the truth, takot talaga ako. Sabi ng experts, mas malala pa raw ang napipintong mangyayari sa Europe kesa sa nangyari sa USSR. Ang laki ng USSR noon pero noong nagcrash e naghiwahiwalay sila tapos lahat sila nghirap. Until nga ngayon hindi pa rin fully nakakarecover ang mga dating kasali sa USSR. Around 3 decades na ang nakakaraan pero super hirap pa rin ang mga dating sakop ng USSR. 

Ang masaklap pa niyan e pag bumagsak ang Europe, susunod ang Amerika, susunod ang China, at lahat na. Parang domino lang yan. Global crisis ang mangyayari kaya kahit nasan ka man, wala kang ligtas.

Ayaw ko man isipin pero hindi ko mapigilan na sumagi sa isip ko…. Heto na ba yung tinutukoy sa Revelations? Ito na ba yung beginning of the end? 

Noon ako ay active pa sa church, meron noon nagpunta sa church namin at nag-share about that. Shi-nare nya about sa mga plots ng mga ” secret societies” to establish a new world order… Around 15 years ago pa yun pero kung iniisip ko now, lahat ng sinabi niya e nagiging totoo. Hindi ko na iisa-isahin pero heto ang summary: our society is engineered by secret socities for their aim. Hawak nila lahat ang aspeto ng ating buhay… Government, media, economy, and yes, even religion. Lahat yan nainfiltrate na nila. 

Ang haba na ng post ko na ito, kaya tatapusin ko na dito. Kung meron man sa inyo ang naintriga, suggest ko lang na igoogle ninyo ito: rotschild family. One article about them will lead to a lot of articles or topics connected to them like: secret societies, illuminati, end times, european central bank, federal reserve bank, at revelations.

(2 days later.. )

Naistorbo na naman kasi ako… Pero hindi ko na itutuloy ang post na ito. Nasira na ang flow of thougths ko. 

tungkol sa what ifs at pagkain

Blogging time ulit pero dito muna ako sa tagalog blog ko ako magbloblog para pang warm up. Hmm… ok simula tayo sa madali… ang weather. Ang weather dito ngayon palamig na. Tag-lagas na. Parang kelan lang naglululundag ako sa tuwa kasi tag-sibol na… ang bilis talaga ng panahon.

So kamusta ka na naman? Ako heto, nanay na nanay at super happy. Walang katumbas ang pakiramdam ng pagiging nanay lalo na kung malusog ang anak at ang asawa e mabait. Speaking of that, wala talaga rin akong maipintas sa buhay ko ngayon. Hindi ko naman sinasabing perpekto dahil hindi naman talaga… pero wala akong iibahin. Madali akong makuntento at madali lang akong pasayahin. Ito e dahil din siguro sa hindi ako likas na inggitera. Hindi ko kinokompara ang buhay ko sa iba. Ang ginagawa ko kung meron akong mumunting kinaiinis at kinalulungkot, hindi ako tumitingin sa mag taong meron nung wala ako, instead… iniisip ko nalang what if? Di ba? I mean, what if ang buhay ko ngaon e hindi kagaya ng buhay ngayon? Does that make sense? Tipong, what if nakapangasawa ako ng lasengo o tambay o walang pangarap sa buhay? Noon kasi meron din naman akong mangilan-ngilan na manliligaw sa min at karamihan sa kanila e ganyan. So what if nalang kung isa sa kanila e pinili kong mapangasawa? Ibang-iba siguro buhay ko ngayon. Kung naiisip ko yan, mas lalo kong naapreciate buhay ko now at mas lalo kong naappreciate katangian ng asawa ko—responsable, mabait, mapagmahalan, maalalahanin, etc. Hindi ko naman sinasabing perpekto siya—hindi sya perpekto—suplado siya minsan—lalo pag gutom siya—naku ang dali niyang mainis. At saka mapili yan sa kaibigan. Civil naman sya at marunong makitungo pero ilan lang talaga yung kinakaibigan niya.

So hayan ganyan ang ginagawa ko kung meron akong hindi kinatutuwa sa buhay ko now. Kagaya ngayon, ang dami kong gawaing bahay…nakakapagod, nakakainis. Pero isipin ko nalang, what if walang wasching machine, what if walang dishwasher, etc? E di mas lalong pagod ako. Di bale ng walang katulong sa bahay basta meron mga gamit na kahit papano e nakakapagpagaan ng gawaing bahay. What if need ko maghand wash? Di ba? So mabuti na yung ganito. Nasa gitna. Kuntento na ako.

Maiba tayo. Kasi kumakain ako ngayon habang nagbla-blog kaya naisip ko i-share sa inyo. Sa aming mag-asawa, pagdating sa pagkain e ang motto namin, „walang pilitan“. Kung ayaw kong kainin yan, huwag mo akong pilitin. Maalala ko noong nagbakasyon kami sa Pinas. Dinalaw namin yung lola ko sa probinsya. Nagkataon naman na may fiesta noon doon at dahil yung uncle ko e district superintendent, inimbita kami ng principal nong elementary school na mag-lunch. Sa isang classroom na ginawa nilang kainan. Grabe, yung lamesa e punong puno ng iba’t ibang putahe. Naglalaway ako pag naalala kong yung mag handa nila. At saka, tipong VIP room iyon, may elektric fan (hehe). Mayor, principal, at mga  head teachers lang ang dapat pumasok at kumain doon .Yung pangkaraniwang teachers e labas kakain kasama nung mag bata at mag magulang kaya natuwa naman ako noong pinilit kaming doon nalang kumain sa loob.

So anyway, balik tayo sa pagkain. Syempre ako e takam na takam pero ang asawa ko e tanong ng tanong. Ano daw ba ang ingredients nito, niyan, non? Syempre gusto nya malaman kung ano meron dun sa kakainin nya. So mega explain naman yung ilang teachers na nandun. Syempre, medyo pa-impressan din sila sa kanilang pag-iingles. Sabi nung isa… that’s made of pig’s brains and ears. Naku po….nagtayuhan talaga balahibo ng asawa ko kahit na napakainit noon. Hahaha. At saka panay siko niya sa kin kasi gusto niya e i-coach ko sya kung ano dapat niyang kainin—dapat walang lamang loob at walang buto. So sa dinami dami ng putahe doon… nakuntento sya sa lumpiang shanghai na sinawsaw sa ketchup.

Naawa ako sa kanya noon, kasi may mag iba talaga sa tin na ewan ko ba kung talagang proud lang sila sa Filipino table culture and dishes o makitid isip nila. Kasi panay sabi nila sa asawa ko… you are married to a filipina, you have to eat that. Ayaw ko naman noon sabihin na huwag siyang pipilitin at puro mag teachers nandun baka sabihn nila, ang bastos ko naman. So ang ginawa namin, nilagyan ko ng tigkakaunti sa bawat putahe yung plato ng asawa ko—then ako yung pasimpleng kumain.

Never akong pinilit ng asawa kong kainin yung ayaw ko. Effortless din kasi masasarap pagkain nila dito, wala akong matanggihan. Pero minsan, nakakasuya din ang puro nalang sobrang sarap. Minsan naghahanap din ako ng simple lang. Kagaya ngayon. Ang ulam ko e gisang karneng giniling na may patatas.

Teka gising na baby ko. Bye bye na muna.

tungkol lang sa kung anong nasa isip ko ngayon

Gusto kong magsulat pero ayaw kong mag-isip kaya kako e dito nalang ako magblog tutal, hindi ko naman kailangang mag-isip dito e. Hehe. Sabado ngayon, dapat maggro-grocery kaming mag-asawa para sa susunod na lingo pero tinatamad akong lumabas kaya si  mister nalang daw mag-isa. Atat yun mag-grocery mag-isa kasi pwede syang bumili ng kung ano-anong wala naman sa listahan. Magastos kasi yun e. Kung may madaan siyang gusto niya e lagay kagad siya sa cart. Naiinis yun pag binabalik ko sa stand yung mag pinagkukuha niya. Ayaw ko sana siyang lumabas mag-isa pero dahil tinatamad ako e hinayaan ko nalang. Sinabi ko nalang sa kanya na iche-check ko mga pinamili nya pagdating dito…dapat kung ano lang yung nasa listahan, yun lang ang bibilhin nya.

Sayang kasi.

Madalas, ang dami naming tinatapon na pagkain. Mga hindi pa bukas pero expired or lanta na. Dadalawa lang naman kasi kami kaya kadalasan hindi rin namin kayang ubusin lahat ng pinapamili namin. Tapos madalas pa kaming lumabas para kumain kaya ang dami talagang nasasayang. Ako yung nanghihinayang e.

Pero anyway, maiba ako. Naalala ko kasi minsan, itong si Sterndal e tinanong ako kung everyday daw ba ako naliligo dito. Syempre daw kasi winter at malamig kaya na-curious siya.

Sa Pinas, at least once a day ako kung maligo. Napakainit kasi doon….kaya naliligo ako sa umaga bago lalabas ng bahay tapos sa gabi bago matuog.  Pero nung sa Baguio pa ako nakatira, tama na yung minsan sa isang araw.

Dito naman e nakasanayan na ng lahat na maligo ng minsan sa isang araw. Ke summer or winter—everyday ang liguhan dito. Kahit kasi winter e okay lang maligo kasi lahat ng bahay dito may water boiler/heater. Ewan ko kung ano talaga ang tawag dun pero isa iyung malakeng tangke sa basement na naglalaman ng mainit na tubig. Never ko pang na-experience na naubusan iyong ng mainit na tubig. So dito buong taon e meron kaming hot and cold shower. Kahit yung tubig na lumalabas sa lahat ng  mga gripo sa bahay e pwedeng iregulate  ang water temperature.

Tapos dito din, nakasanayan na ng mag tao na kada paligo e nagblo-blower ang buhok. Dugyot ang tingin nila dito sa mag taong lumalabas ng bahay na basa ang buhok. Kakatuwa nga kasi sa Pinas pag lumabas ka sa umaga at tuyo ang iyong buhok e iisipin ng mag makakasalubong mo na hindi ka naligo, in short dugyot ka. Kabaliktaran naman dito.

Nung nasa China ako—iba naman ang kaso doon. Yung una kong taon sa China e nadistino ako sa bundok ng tralala. Middle of nowhere. So anyway, hindi lahat ng bahay e may water boiler dun. Actually, hindi lahat ng bahay e may banyo. Ang ginagawa ng mag tao dun e nagpupunta sila sa mga public bath once or twice a month para maligo. Kaloka no. Grabe.

So nung nandun ako, yung unang apartment na tinirhan ko e walang water boiler pero okay lang kasi may sarili siyang banyo. Actually, maayos naman yung apartment na binigay sa akin noon ng school na pinagtuturuan ko. May dalawang kwarto, sala, kusina, balkon, toilet and bath, at storage room. Kung sa Pinas lang iyon e okay na okay na.  Pero dahil nung dumating ako noon doon e winter, naninibago talaga ako. Sa Pinas wala rin naman kaming water bolier pero hindi ko kailangan ng mainit na tubig para maligo. OK na sa kin yung galing gripo. Sa China, everyday akong nagpapainit ng tubig para makaligo—sobrang lamig kasi nung tubig na galing sa gripo. Tapos minsan nagmamadali ako kasi late na ako so lumabas akong basa ang buhok…. hala wala pang 10 minutes e frozen na yung hair ko. Kakaloka. Buti nlang hindi obvious kasi itinali ko siya at itinago sa aking bonet. Pero kinagabihan ng araw na yun e nagkasakit ako kaya mula nun natuto na akong hwag lumabas pag basa ang buhok.

Pero may mga apartment din naman sa mga malalaking syudad ng China na may water heater na. Dun lang talaga sa mag liblib na lugar gaya nun lugar na una kong pinagturuan ang wala.

Maiba ako.

Napansin ko lang kasi… meron ng palang rank itong blog na ito. Haha. Kelan lang nagrereklamo ako kasi wala man lang PR ito tapos ngayon naman meron na. PR1 lang pero ok na rin. Karamihan naman kasi talaga ng nandito e walang sense… kaya ok na sa kin. Sana sa susunod na update e tumaas sya para talagang magamit ko na siyang panglink farm. Haha.

blog

Hay, ang tagal ko ring hindi nakapag-update dito. Paano ba naman kasi, sobrang naging busy din ako nitong mga  nakaraan buwan. Pero tiyak mapapadalas na ako sa pag-uupdate ng blog na ito kasi mula nung a-uno ng bwan na ito e mejo nagbawas na ako ng klase ko. Hirap na kasi ako sa trabaho. Lagi akong nagkakasakit kaya minabuti ko nalang na manatili sa bahay.

Pinag-isipan ko nga kung itutuloy ko itong blog  na ito. Paano ba naman kasi, wala man lang itong ka-PR PR (hehehe). Ewan ko rin kung may nagbabasa ba nito. Pero dahil ito lang naman ang Tagalog na blog ko e sige na nga. Itutuloy ko na para sa mga oras na ako’y tinatamad na magsulat sa Ingles.

Nung una, inaasahan kong magkaPR itong blog na ito para kahit na hindi ko sya magamit sa pagkakaperahan e magamit ko sya sa pagbibigay ng link juice sa iba ko pang blogs.. pero ang siste…hanggang ngayon e PR 0 pa rin sya. Wala rin naman akong ibang sisihin kasi hindi naman ako nakipag-exchange links sa ibang blogs.  Sa madaling sabi, wala man akong ka-effort effort sa pagkuha ng PR sa blog na ito.

Pero kahit na never itong magka-PR e itutuloy ko pa rin. Tutal, libre naman. Pero syempre hoping pa rin ako na magkaPR ito kahit 1 o 2 lang. Sana sana sana….

camping

Masarap ang mag-travel. Marami kang nakikita at natututunan. Marami ka rin nakakasalamuhang tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Kami ng asawa ko mahilig pareho gumala. Para sa kin, nasubukan na namin lahat ng styles ng pagtra-travel. Ang ibig kong sabihin e nasubukan na namin yung pa-sosyal, pa-budget, at pa-adventure.  Nasubukan na namin yung sa mamahaling hotels at destination. Nasubukan na rin namin yung sinasabi nilang backpacking. Nasubukan na rin naming maging budget travelers. In fairness, lahat naman e talagang na-enjoy ko.

Sa akin naman kasi, hindi importante yung hihigaan ko. Basta yung lugar e meron enough amenities para sa call of nature at para sa personal hygiene, ok na. Ngayon taon na ito, napagpasyahan naming magtravel, camping style. Nag-camping na rin kami noon sa Coron, Philippines pero isang gabi lang kasi naman e kinaumagahan wala kaming magamit na toilet kaya pinagpasyahan naming bumalik nalang sa hotel.

Nagpunta kami sa Croatia. Marami kasing campsites doon para tourists talaga. Napansin ko lang ha nung nandun ako kasi first time kong mag-camping sa Europe e, na yung karamihan na nadun e ang yayaman.  Ang mga camping buses e super bongga. As in. Tapos marami rin sa kanila na from up north pa talaga. Tipong Sweden, Finland, Belgium, at Norway. Baba sila sa Croatia by car/camping bus para lang makipagsisikan sa campsite. Hindi ko nga maintindihan nung una kasi kung ako ganun kayaman e di mega fly nalang ako sa kung saan may mas magandang beach at mas less crowded.

Pero iba rin ang atmosphere doon. Oo nga maraming tao. Maraming tents at camping buses. Crowded ang beach pero masaya. Ibang experience din. Tapos yung campsite e kompleto naman. Malilinis talaga ang mga toilets at shower rooms.  Meron allotted place for everything kayaga ng lababo para sa paghuhugas ng pinggan, paliguan para sa mga alagang aso at pusa, at iba pa. Tapos meron pa ngang WIFI doon sa buong campsite e.  Tapos marami pang ibang amenities gaya ng football field, playground, tennis courts, etc, etc.. . Parang camping grande.  Wala rin akong ma-say.

Simple lang ang aming bakasyon pero enjoy talaga. Sa tent kami natutulog tapos sa umaga e mega gala kami. Hindi kami nagluluto. Panay kain sa labas. Babad kami sa beach sa umaga tas kung mataas na ang araw e nagpupunta kami sa malilit na cities at towns. Tapos kung mejo pahapon na e saka kami babad ulit sa beach. Kasi hindi na masakit yung sinag ng araw. Nangitim nga ako e. Ayaw ko sana mapa-tan pero kinakantyawan na nila ako dito at sinasabing putlang putla daw ang kulay ko e kaya sige na nga.

Sabi ko sa asawa ko, next time ulitin namin ang pagka-camping. Kung may anak na kami e tiyak ma-e-enjoy ng anak naming yung pagka-camping.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.