Gusto kong magsulat pero ayaw kong mag-isip kaya kako e dito nalang ako magblog tutal, hindi ko naman kailangang mag-isip dito e. Hehe. Sabado ngayon, dapat maggro-grocery kaming mag-asawa para sa susunod na lingo pero tinatamad akong lumabas kaya si mister nalang daw mag-isa. Atat yun mag-grocery mag-isa kasi pwede syang bumili ng kung ano-anong wala naman sa listahan. Magastos kasi yun e. Kung may madaan siyang gusto niya e lagay kagad siya sa cart. Naiinis yun pag binabalik ko sa stand yung mag pinagkukuha niya. Ayaw ko sana siyang lumabas mag-isa pero dahil tinatamad ako e hinayaan ko nalang. Sinabi ko nalang sa kanya na iche-check ko mga pinamili nya pagdating dito…dapat kung ano lang yung nasa listahan, yun lang ang bibilhin nya.
Sayang kasi.
Madalas, ang dami naming tinatapon na pagkain. Mga hindi pa bukas pero expired or lanta na. Dadalawa lang naman kasi kami kaya kadalasan hindi rin namin kayang ubusin lahat ng pinapamili namin. Tapos madalas pa kaming lumabas para kumain kaya ang dami talagang nasasayang. Ako yung nanghihinayang e.
Pero anyway, maiba ako. Naalala ko kasi minsan, itong si Sterndal e tinanong ako kung everyday daw ba ako naliligo dito. Syempre daw kasi winter at malamig kaya na-curious siya.
Sa Pinas, at least once a day ako kung maligo. Napakainit kasi doon….kaya naliligo ako sa umaga bago lalabas ng bahay tapos sa gabi bago matuog. Pero nung sa Baguio pa ako nakatira, tama na yung minsan sa isang araw.
Dito naman e nakasanayan na ng lahat na maligo ng minsan sa isang araw. Ke summer or winter—everyday ang liguhan dito. Kahit kasi winter e okay lang maligo kasi lahat ng bahay dito may water boiler/heater. Ewan ko kung ano talaga ang tawag dun pero isa iyung malakeng tangke sa basement na naglalaman ng mainit na tubig. Never ko pang na-experience na naubusan iyong ng mainit na tubig. So dito buong taon e meron kaming hot and cold shower. Kahit yung tubig na lumalabas sa lahat ng mga gripo sa bahay e pwedeng iregulate ang water temperature.
Tapos dito din, nakasanayan na ng mag tao na kada paligo e nagblo-blower ang buhok. Dugyot ang tingin nila dito sa mag taong lumalabas ng bahay na basa ang buhok. Kakatuwa nga kasi sa Pinas pag lumabas ka sa umaga at tuyo ang iyong buhok e iisipin ng mag makakasalubong mo na hindi ka naligo, in short dugyot ka. Kabaliktaran naman dito.
Nung nasa China ako—iba naman ang kaso doon. Yung una kong taon sa China e nadistino ako sa bundok ng tralala. Middle of nowhere. So anyway, hindi lahat ng bahay e may water boiler dun. Actually, hindi lahat ng bahay e may banyo. Ang ginagawa ng mag tao dun e nagpupunta sila sa mga public bath once or twice a month para maligo. Kaloka no. Grabe.
So nung nandun ako, yung unang apartment na tinirhan ko e walang water boiler pero okay lang kasi may sarili siyang banyo. Actually, maayos naman yung apartment na binigay sa akin noon ng school na pinagtuturuan ko. May dalawang kwarto, sala, kusina, balkon, toilet and bath, at storage room. Kung sa Pinas lang iyon e okay na okay na. Pero dahil nung dumating ako noon doon e winter, naninibago talaga ako. Sa Pinas wala rin naman kaming water bolier pero hindi ko kailangan ng mainit na tubig para maligo. OK na sa kin yung galing gripo. Sa China, everyday akong nagpapainit ng tubig para makaligo—sobrang lamig kasi nung tubig na galing sa gripo. Tapos minsan nagmamadali ako kasi late na ako so lumabas akong basa ang buhok…. hala wala pang 10 minutes e frozen na yung hair ko. Kakaloka. Buti nlang hindi obvious kasi itinali ko siya at itinago sa aking bonet. Pero kinagabihan ng araw na yun e nagkasakit ako kaya mula nun natuto na akong hwag lumabas pag basa ang buhok.
Pero may mga apartment din naman sa mga malalaking syudad ng China na may water heater na. Dun lang talaga sa mag liblib na lugar gaya nun lugar na una kong pinagturuan ang wala.
Maiba ako.
Napansin ko lang kasi… meron ng palang rank itong blog na ito. Haha. Kelan lang nagrereklamo ako kasi wala man lang PR ito tapos ngayon naman meron na. PR1 lang pero ok na rin. Karamihan naman kasi talaga ng nandito e walang sense… kaya ok na sa kin. Sana sa susunod na update e tumaas sya para talagang magamit ko na siyang panglink farm. Haha.
Posted by stern on January 26, 2011 at 9:54 pm
wow! congrats sa PR1
nag-update na pala si Google hehe
wala kong nakuha kakainis yang Google na yan haha!
Posted by kengkay on July 28, 2011 at 11:35 am
hi bb myla, ngayong ko lang nabasa yung iniwan mong comment dun sa blog ko. naku sorry at ang tagal ko bago nakadalaw, naligaw kasi ako e