Blogging time ulit pero dito muna ako sa tagalog blog ko ako magbloblog para pang warm up. Hmm… ok simula tayo sa madali… ang weather. Ang weather dito ngayon palamig na. Tag-lagas na. Parang kelan lang naglululundag ako sa tuwa kasi tag-sibol na… ang bilis talaga ng panahon.
So kamusta ka na naman? Ako heto, nanay na nanay at super happy. Walang katumbas ang pakiramdam ng pagiging nanay lalo na kung malusog ang anak at ang asawa e mabait. Speaking of that, wala talaga rin akong maipintas sa buhay ko ngayon. Hindi ko naman sinasabing perpekto dahil hindi naman talaga… pero wala akong iibahin. Madali akong makuntento at madali lang akong pasayahin. Ito e dahil din siguro sa hindi ako likas na inggitera. Hindi ko kinokompara ang buhay ko sa iba. Ang ginagawa ko kung meron akong mumunting kinaiinis at kinalulungkot, hindi ako tumitingin sa mag taong meron nung wala ako, instead… iniisip ko nalang what if? Di ba? I mean, what if ang buhay ko ngaon e hindi kagaya ng buhay ngayon? Does that make sense? Tipong, what if nakapangasawa ako ng lasengo o tambay o walang pangarap sa buhay? Noon kasi meron din naman akong mangilan-ngilan na manliligaw sa min at karamihan sa kanila e ganyan. So what if nalang kung isa sa kanila e pinili kong mapangasawa? Ibang-iba siguro buhay ko ngayon. Kung naiisip ko yan, mas lalo kong naapreciate buhay ko now at mas lalo kong naappreciate katangian ng asawa ko—responsable, mabait, mapagmahalan, maalalahanin, etc. Hindi ko naman sinasabing perpekto siya—hindi sya perpekto—suplado siya minsan—lalo pag gutom siya—naku ang dali niyang mainis. At saka mapili yan sa kaibigan. Civil naman sya at marunong makitungo pero ilan lang talaga yung kinakaibigan niya.
So hayan ganyan ang ginagawa ko kung meron akong hindi kinatutuwa sa buhay ko now. Kagaya ngayon, ang dami kong gawaing bahay…nakakapagod, nakakainis. Pero isipin ko nalang, what if walang wasching machine, what if walang dishwasher, etc? E di mas lalong pagod ako. Di bale ng walang katulong sa bahay basta meron mga gamit na kahit papano e nakakapagpagaan ng gawaing bahay. What if need ko maghand wash? Di ba? So mabuti na yung ganito. Nasa gitna. Kuntento na ako.
Maiba tayo. Kasi kumakain ako ngayon habang nagbla-blog kaya naisip ko i-share sa inyo. Sa aming mag-asawa, pagdating sa pagkain e ang motto namin, „walang pilitan“. Kung ayaw kong kainin yan, huwag mo akong pilitin. Maalala ko noong nagbakasyon kami sa Pinas. Dinalaw namin yung lola ko sa probinsya. Nagkataon naman na may fiesta noon doon at dahil yung uncle ko e district superintendent, inimbita kami ng principal nong elementary school na mag-lunch. Sa isang classroom na ginawa nilang kainan. Grabe, yung lamesa e punong puno ng iba’t ibang putahe. Naglalaway ako pag naalala kong yung mag handa nila. At saka, tipong VIP room iyon, may elektric fan (hehe). Mayor, principal, at mga head teachers lang ang dapat pumasok at kumain doon .Yung pangkaraniwang teachers e labas kakain kasama nung mag bata at mag magulang kaya natuwa naman ako noong pinilit kaming doon nalang kumain sa loob.
So anyway, balik tayo sa pagkain. Syempre ako e takam na takam pero ang asawa ko e tanong ng tanong. Ano daw ba ang ingredients nito, niyan, non? Syempre gusto nya malaman kung ano meron dun sa kakainin nya. So mega explain naman yung ilang teachers na nandun. Syempre, medyo pa-impressan din sila sa kanilang pag-iingles. Sabi nung isa… that’s made of pig’s brains and ears. Naku po….nagtayuhan talaga balahibo ng asawa ko kahit na napakainit noon. Hahaha. At saka panay siko niya sa kin kasi gusto niya e i-coach ko sya kung ano dapat niyang kainin—dapat walang lamang loob at walang buto. So sa dinami dami ng putahe doon… nakuntento sya sa lumpiang shanghai na sinawsaw sa ketchup.
Naawa ako sa kanya noon, kasi may mag iba talaga sa tin na ewan ko ba kung talagang proud lang sila sa Filipino table culture and dishes o makitid isip nila. Kasi panay sabi nila sa asawa ko… you are married to a filipina, you have to eat that. Ayaw ko naman noon sabihin na huwag siyang pipilitin at puro mag teachers nandun baka sabihn nila, ang bastos ko naman. So ang ginawa namin, nilagyan ko ng tigkakaunti sa bawat putahe yung plato ng asawa ko—then ako yung pasimpleng kumain.
Never akong pinilit ng asawa kong kainin yung ayaw ko. Effortless din kasi masasarap pagkain nila dito, wala akong matanggihan. Pero minsan, nakakasuya din ang puro nalang sobrang sarap. Minsan naghahanap din ako ng simple lang. Kagaya ngayon. Ang ulam ko e gisang karneng giniling na may patatas.
Teka gising na baby ko. Bye bye na muna.
Posted by Chelo @ Home & Bahay on October 1, 2011 at 4:47 pm
Nakakatuwa naman magbasa ng blog na Tagalog
Mainam na ma{practice} ang tagalog pagsulat ko. Sobra tawa ko sa isinulat mo tungkol sa VIP room…kasi may electric fan. Aba! Muntik na magising ang anak ko sa kakatawa ko.
Naiintindihan ko ang medyo kainis pag pinipilit pakainin ang asawa na foreigner. Buti naman matyaga din ang asawa mo at hindi nagalit.
At proud ako sa iyo sa pag iisip mo ng “what if”. Magandang paraan ng paiisip yan. Especially ngayon Oktubre nagsusulat ako ng tungkol sa Filipino Culture na kinalakihan ko. Marami ako naalala na nakaraan kung hindi sa kabutihan ng Dios ay siguro ang buhay ko ngayon ay hindi ganito. Marami parin mabuting biyaya kahit may maliliit na gusot sa buhay. Mas mainam parin kaysa sa what if…
Salamat, Myla!
Posted by Bb. Myla on December 10, 2011 at 7:52 pm
Oo tama… Ang daming biyaya ng Diyos na madalas nating winawalang bahala. Kaya before mainngit sa iba… Tignan muna kung ano meron tau tapos isipin nalang “what if” wala yung mga tao or bagay na meron tau, di b?