Gusto ko ngang Tagalugin yung “about” pero hindi ko maisip yung tamang salita para doon kaya “about” nalang muna gamitin ko.

So, ako si Myla. Malamang nakilala na ninyo ako dahil sa ibang blogs ko kagaya nito, nito, at nito. Dalawa gamit kong pangalan, Vienna at Myla. Pero ang totoo kong pangalan e yung Myla. Pangit no? Kung hindi ko lang mahal ang nanay ko e sasabihin ko talaga sa kanyang wala syang taste pagdating sa pagpili ng pangalan. Pero di bale ng Myla kesa naman sa pangalan ng ate ko, Melita. Yaiks!
Sa ngayon, isa akong guro dito sa Austria pero hindi siguro magtatagal e magreresign na ako at magiging full time maybahay nalang. Gusto ko talagang huminto na sa pagtuturo at manatili nalang sa bahay at magsulat ng magsulat. Yun ang wish ko ngayon pero sayang din kasi yung sweldo ko kaya kahit na hirap na hirap na ako e trabaho nalang muna. Saka na ung pasarap.
Mahilig akong magsulat sulat pero ito ang kauna-unahang blog ko sa Tagalog. Mahilig din akong magpiktyur-piktyur kaya siguro e madalas din akong mag-a-upload dito ng mga piktyurs na kuha ko. Mahilig din akong kumanta at mag-gitara pero syempre pang personal level lang. Hindi ko keri yung mag-perform-perform sa madla. Hindi ako ganun kagaling. Mahilig din akong magbasabasa–kasama yata iyon kung mahilig kang magsulat. At ang mga pinakaimportante e mahilig din akong kumain at matulog.
Ano pa ba? Kung may gusto pa kayong malaman e itanong nyo nalang. Wala na kasi akong maisip sa ngayon e. Welcome naman lahat magkomentot basta hwag lang spam so aabangan ko nalang mga tanong nyo.
Posted by ruthi on July 26, 2010 at 3:57 am
wow naman si Fairy Blogmother di maiwasan ang pangangati ng kamay… bago na namang blog. nice, paminsan-minsan kelangan natin itong ganitong blog para maisiwalat ang mga damdaming di maisalin sa english. hahaha more power. sa tagalog… mas maraming kapangyarihan! at ang about… “tungkol” pangit nga. about na lang.
Posted by kris on April 9, 2011 at 6:59 am
nice to read po really and beauty mom ..i’m a fulltym mom and gusto ko ding magkaroon ng blog and now i have my own hehe just want to try if ok.. . keep it up and more power ..
Posted by kris on April 9, 2011 at 7:11 am
pede ko ba kaung i-add ..thanks.