blog

Hay, ang tagal ko ring hindi nakapag-update dito. Paano ba naman kasi, sobrang naging busy din ako nitong mga  nakaraan buwan. Pero tiyak mapapadalas na ako sa pag-uupdate ng blog na ito kasi mula nung a-uno ng bwan na ito e mejo nagbawas na ako ng klase ko. Hirap na kasi ako sa trabaho. Lagi akong nagkakasakit kaya minabuti ko nalang na manatili sa bahay.

Pinag-isipan ko nga kung itutuloy ko itong blog  na ito. Paano ba naman kasi, wala man lang itong ka-PR PR (hehehe). Ewan ko rin kung may nagbabasa ba nito. Pero dahil ito lang naman ang Tagalog na blog ko e sige na nga. Itutuloy ko na para sa mga oras na ako’y tinatamad na magsulat sa Ingles.

Nung una, inaasahan kong magkaPR itong blog na ito para kahit na hindi ko sya magamit sa pagkakaperahan e magamit ko sya sa pagbibigay ng link juice sa iba ko pang blogs.. pero ang siste…hanggang ngayon e PR 0 pa rin sya. Wala rin naman akong ibang sisihin kasi hindi naman ako nakipag-exchange links sa ibang blogs.  Sa madaling sabi, wala man akong ka-effort effort sa pagkuha ng PR sa blog na ito.

Pero kahit na never itong magka-PR e itutuloy ko pa rin. Tutal, libre naman. Pero syempre hoping pa rin ako na magkaPR ito kahit 1 o 2 lang. Sana sana sana….

camping

Masarap ang mag-travel. Marami kang nakikita at natututunan. Marami ka rin nakakasalamuhang tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Kami ng asawa ko mahilig pareho gumala. Para sa kin, nasubukan na namin lahat ng styles ng pagtra-travel. Ang ibig kong sabihin e nasubukan na namin yung pa-sosyal, pa-budget, at pa-adventure.  Nasubukan na namin yung sa mamahaling hotels at destination. Nasubukan na rin namin yung sinasabi nilang backpacking. Nasubukan na rin naming maging budget travelers. In fairness, lahat naman e talagang na-enjoy ko.

Sa akin naman kasi, hindi importante yung hihigaan ko. Basta yung lugar e meron enough amenities para sa call of nature at para sa personal hygiene, ok na. Ngayon taon na ito, napagpasyahan naming magtravel, camping style. Nag-camping na rin kami noon sa Coron, Philippines pero isang gabi lang kasi naman e kinaumagahan wala kaming magamit na toilet kaya pinagpasyahan naming bumalik nalang sa hotel.

Nagpunta kami sa Croatia. Marami kasing campsites doon para tourists talaga. Napansin ko lang ha nung nandun ako kasi first time kong mag-camping sa Europe e, na yung karamihan na nadun e ang yayaman.  Ang mga camping buses e super bongga. As in. Tapos marami rin sa kanila na from up north pa talaga. Tipong Sweden, Finland, Belgium, at Norway. Baba sila sa Croatia by car/camping bus para lang makipagsisikan sa campsite. Hindi ko nga maintindihan nung una kasi kung ako ganun kayaman e di mega fly nalang ako sa kung saan may mas magandang beach at mas less crowded.

Pero iba rin ang atmosphere doon. Oo nga maraming tao. Maraming tents at camping buses. Crowded ang beach pero masaya. Ibang experience din. Tapos yung campsite e kompleto naman. Malilinis talaga ang mga toilets at shower rooms.  Meron allotted place for everything kayaga ng lababo para sa paghuhugas ng pinggan, paliguan para sa mga alagang aso at pusa, at iba pa. Tapos meron pa ngang WIFI doon sa buong campsite e.  Tapos marami pang ibang amenities gaya ng football field, playground, tennis courts, etc, etc.. . Parang camping grande.  Wala rin akong ma-say.

Simple lang ang aming bakasyon pero enjoy talaga. Sa tent kami natutulog tapos sa umaga e mega gala kami. Hindi kami nagluluto. Panay kain sa labas. Babad kami sa beach sa umaga tas kung mataas na ang araw e nagpupunta kami sa malilit na cities at towns. Tapos kung mejo pahapon na e saka kami babad ulit sa beach. Kasi hindi na masakit yung sinag ng araw. Nangitim nga ako e. Ayaw ko sana mapa-tan pero kinakantyawan na nila ako dito at sinasabing putlang putla daw ang kulay ko e kaya sige na nga.

Sabi ko sa asawa ko, next time ulitin namin ang pagka-camping. Kung may anak na kami e tiyak ma-e-enjoy ng anak naming yung pagka-camping.

bampira

Noon, umuso yung buffy the vampire slayer sa min at talagang inaabangan ko ang bawat serye. Teen ager palang ako nun kaya syempre, mahilig ako sa mga fantaserye na may halong love story. Syempre impressed din ako sa mga ilang vampire movies gaya ng Dracula atbp. Tapos ewan ko ba kung ano dahilan ng pagkawala ng interes ko sa mga bampi-bampira. Dahil siguro kay Harry Potter o pwede ring dahil kay Ally Mcbeal. Basta ang matandaan ko nalang e nakokornihan na ako kay Buffy.

Tapos e di syempre umuso yung Twilight. Nung una e iniisnab ko lang. Pero nung lumabas yung pangalawang movie e nagpaagos na rin ako ng daloy. Pinilit ko mister ko na samahan akong manood at naku… sabi nya… natraumatized daw sya sa movie.  Hindi dahil kahindak hindak ang mga scenes kundi dahil  sobrang korni daw. Sabi nya… matatagalan daw ulit bago sya makakarecover.

Sa kin naman, disappointed din ako. Sa isip ko, ngek… anong meron ang movie na ito at daming nagkakandaloko-loko. Pero dahil nga sa lakas ng agos ng Twilight e kako, bibigyan ko ito ng second chance. So pumunta ako sa bookstore at binili ko yung 4 na libro tas binasa ko. In fairness, maganda yung pagkakasulat pero nababawan pa rin ako. Parang kulang ng characters at mababaw yung plot. Medyo exciting din naman yung kwento pero ewan ko ba… Basta so-so lang sya sa kin.

Tapos, tapos na sana ako sa mga ganyan pero ito talagang si Lamielle e big fan ng Vampire Diaries at makailang beses na nya sinabi sa kin na maganda daw yung Vampire Diaries at sabi nya tiyak daw na magugustuhan ko iyon. So minsan sinubok ko naman panoorin. Pinapalabas din kasi yung serye nay un dito sa Austria kaso naka-dub na sa German at dahil siguro hindi ko sya maintindihan ng 100% e hindi ako na-impressed. Pero itong si Lamielle e talagang pursigido at kunsintidora… aba pinadalhan ba naman ako ng Complete Vampire Diaries season 1 at yung TrueBlood.

So sa medaling sabi… inumpisahan ko kagad panoorin yung Vampire Diaries at tama si Lamielle… na-hook kagad ako. In three nights, tinapos ko yung complete season 1. Feeling bangag nga ako nun pagpasok sa work pero di bale na basta I watched as many episodes as I can.   Nagustuhan ko talaga. Hindi ako masyado kinikilig a love story pero naiintriga ako sa kwento.  Kung meron kayo chance panoorin e panoorin nyo. Cool sya.

Yung Trueblood naman e di ko pa nauumpisahan. Natatakot kasi ulit akong ma-hook na naman. Hindi kakayanin ng katawan ko yung sobrang puyat ngayon lalo na at na pang-umaga yung summer classes ko. Saka na pag bakasyon saka ko sya panonoorin.

Sa July 15 e palalabas na sine yung pangatlong movie ng Twilight. Ewan ko kung sasamahan ako ng mister ko na panoorin iyon pero panonoorin ko pa rin sya hindi dahil i’m dying to watch it pero dahil I’m curious kung paano isinapelikula yung pangatlong libro.

kanta

Mahilig talaga akong kumanta kahit na sintunado e sige pa rin ako. Natuto din akong maggitara pero maliban sa mangilan ngilang major at minor chords e wala na.  Hindi ko na inaral ang paggigitara ng maige kasi nakakatamad at isa pa… masaya na ako sa ilang kanta na kaya kong gitarahin.

Yung mister ko, mahilig din sa musika at medyo marunong din maggitara (pero mas magaling ako…hehe) kaya siya lagi nag-e-encourage sa kin na kumanta at tumugtog. Ang tatay nya kasi musikero at ang kanyang kapatid din ay musically inclined. Nung unang dalaw ko nga sa kanila nag-jamming kami at ivini-deo namin yung aming kantahan.

Nung nakaraang Lingo, binuksan ko ang ilang mga kahon na hindi pa namin nabubuksan mula noong kami’y naglipat-bahay. Kasama sa mga in-unpacked ko e yung gitara. Namiss ko rin paggigitara kaya kahapon, halos maghapon akong tumugtog. Masakit nga ngayon mga daliri ko e.

Sinubukan kong tugtugin yung mga dati ko ng alam at napatunayan ko na ang paggigitara talaga ay isang skill …kung wala kang practice e namumurol din. Pero okay lang. Sige pa rin ako. Pasasaan ba’t babalik din yung galing ko (joke).

Sinubukan ko rin kumanta at gumitara ng German songs. Putik! Ang hirap pala. Alam kong mahirap bigkasin ang mga salita sa German pero mas lalo pa palang mahirap bigkasin ng mga salita lalo na kung pakanta. As in, nagtatalsikan pa talaga mga laway ko.  Madali lang ang chords pero hirap talaga ako. Kasi una, hindi lang yung chords, tono, at melody ng kanta pinagtutuunan ko ng pansin, dapat ko rin alalahanin yung pronunciation ng salita. Ni-record ko nga akong kumakanta para mapakinggan ko sarili ko ng maige at hala, natatawa talaga ako kasi sobrang sintunado at trying hard bigkasin yung mga salita tapos may mga parte na parang pabigla bigla ang dating. Hahaha.

At dahil gusto ko rin kayong matawa, heto ang link nung ni-record ko. Bale ang orig niyan e si Annett Louisan at ang title e „das Gefuehl“ (sa tagalog e „ang Pakiramdam“).

Sana matawa kayo at hindi mabanas.



blogging

Nawiwili akong mag-blog sa Tagalog kaya heto may update ulit ako.  Sana yung sipag ko sa pagblo-blog dito e magpatuloy. Kasi yung iba kong blog e medyo stagnant. Hindi sila umuusad. Wala kasi akong oras at masyado akong busy sa trabaho kaya dito nalang muna ako sa Tagalog blog ko magblo-blog kasi dito, hindi ko kailangan ng mahabang oras. Sulat lang ako ng sulat kung ano ang nasa isip ko. Hindi ko na iniintidi kung tama ba ang grammar. Di kagaya pag Ingles—lagi ubos oras ko sa pag-iisip kung alin bang salita ang tama o kaya nama’y kung tama ba ang aking grammar.

Marami akong kaibigan na niyayaya kong mag-blog kasi gusto kong silang turuan kung paano kumita ng pera sa pagblo-blog.  Sila yung bagot sa bahay dahil walang trabaho. Sila yung hindi makapagtrabaho ng regular kasi may mga anak na dapat asikasuhin. Sila yung mahilig sa internet pero panay pagcha-chat lang inaatupag.  Pero karamihan sa kanila e duda. Ewan ko ba kung anong rason nila. Siguro iniisip nila na bini-big-time ko sila. Pero ang kadalasang sagot sa kin e „hindi ko keri yan.“ Wala silang bilib na kaya nilang sumulat.

Sa tingin ko naman e bawat tao e may kakayahang sumulat. Siguro may iba jan na mas magaling pero hindi naman ibig sabihin na sila lang may “K“ sumulat. Meron nga akong mga nababasang blogs na mas marami pang wrong grammar kesa sa tamang grammar pero sandamakmak naman kinikita nila. Hindi ko naman ine-encourage yung kahit na wrong grammar basta may kita. Ang sinasabi ko lang e hindi ka pupunta sa impyerno kung meron ka mang  mga mali sa grammar so huwag kang matakot magblog.

Andami ko na kayang niyaya. Pero ilan lang ang tumugon. Isa ng halimbawa yung kaibigan kong si Lamielle. Nung una, sabi niya hindi daw siya mahilig at hindi niya daw kaya pero dumating din sa puntong napilit ko siya. Hehe. Hindi naman dahil sa kaibigan ko si Lamielle pero sa tingin ko naman e malayong mas okay ang kanyang ingles at ang kanyang mga topics kesa sa karamihan. Hindi pa sya kumikita sa kanyang blog dahil hindi daw muna niya maharap ang blogging pero darating siya doon. Si Jordan naman e matagal ng mahilig sumulat-sulat at talagang magaling siya. Ewan ko kung naniniwala na siyang kikita siya sa blog niya pero kung tatanungin  niya ako in the future kung pano niya gagamitin yung blog niya para kumita ng pera e syempre… dito lang ako.

Meron pa akong isang niyaya. Si Bell. Pero hwag ko muna raw siyang ili-link kasi gusto niya e wala munang nakakaalam ng blog niya. Sabi ko naman, okay.  Kung saan sya komportable.

Si Ruthi at si Sterndal naman e hindi ko masasabing niyaya ko dahil mga bloggers na sila bago ko pa man sila nakilala. Bale, bigayan lang kami ng tips kung saan kami mas kikita at syempre minsan, nagiging inspirasyon kami sa isa’t-isa.

Marami pa akong niyaya pero karamihan sa kanila e umaayaw din kagad pagka sinasabi kong dapat i-build-up muna yung blog ng mga 2-3 buwan bago pagkakitaan. Hay… ewan ko ba.

Sa totoo lang, wala naman akong mapapala. Gusto ko lang talagang makatulong sa mga taong bored at sa mga gustong kumita ng kaunti.  Yun lang.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.